마단모앙카팔이기랑

마단모앙카팔이기랑

아신 0 431
아신
Wala ka bang
napapansin sa iyong
mga kapaligiran
Kay dumi na ng hangin
pati na ang
mga ilog natin
Hindi na masama
Ang pag-unlad
At malayu-layo
Narin ang
ating narating
Ngunit masdan mo
Ang tubig sa dagat
Dati'y kulay asul
ngayo'y naging itim
Ang mga duming
Ating ikinalat
sa hangin
Sa langit huwag
Na nating paabutin
Upang kung tayo'y
pumanaw man
sariwang hangin
Sa langit natin
matitikman
Mayron lang
Akong hinihiling
Sa aking pagpanaw
Sana ay tag-ulan
Gitara ko
ay aking dadalhin
Upang sa ulap nalang
tayo magkantahan
Ang mga batang
Ngayon lang isinilang
May hangin pa
Kayang matitikman
May mga puno pa kaya
silang aakyatin
May mga
ilog pa kayang
lalanguyan
Bakit di natin
pagisipan
Ang nangyayari
Sa ating kapaligiran
Hindi nga masama
Ang pag-unlad
Kung hindi nakakasira
ng kalikasan
Darating ang panahon
mga ibong gala
Ay wala nang
madadapuan
Masdan mo ang mga
punong dati
ay kay tatag
Ngayo'y namamatay
dahil sa
'ting kalokohan
Lahat ng bagay
Na narito sa lupa
Biyayang galling
Sa Diyos
kahit nong ika'y
wala pa
Ingatan natin
At wag nang sirain pa
Pagkat pag Kanyang
binawi tayo'y
mawawala na
Mayron lang
Akong hinihiling
Sa aking pagpanaw
Sana ay tag-ulan
Gitara ko
ay aking dadalhin
Upang sa ulap
na lang tayo
magkantahan

0 Comments